Home – SDGs for All

A project of the Non-profit International Press Syndicate Group with IDN as the Flagship Agency in partnership with Soka Gakkai International in consultative status with ECOSOC

Watch out for our new project website https://sdgs-for-all.net

फोटो: कुतुप्पलोंग शरणार्थी शिविर, कॉक्स बाज़ार, बांग्लादेश।यह शिविर उन तीन शिविरों में से एक है जिनमें बर्मा में अंतर-सांप्रदायिक हिंसा से बच कर भागे हुए लगभग 300,000 रोइंग लोग रह रहे हैं। क्रेडिट: विकिपीडिया कॉमन्स

Myanmar May be Able To Learn From Sri Lanka To Resolve the “Bengali” Problem – Tagalog

share
tweet
pin it
share
share

Puwedeng Matuto Ang Myanmar Mula Sa Sri Lanka Na Lutasin Ang Problema Sa “Bengali”

Ni Jayasri Priyalal*

SINGAPORE (IDN) – Ang krisis sa Rohingya at ang pagdagsa ng mga takas sa Bangladesh ay ang mga nangungunang balita sa media sa kasalukuyan. Bilang isang Sri Lankano maaari kong banggitin ang pagkakatulad ng mga salungatan sa kawalang-estado na nangingibabaw sa Sri Lanka at pagkatapos ay sa Myanmar sa kasalukuyan, at ang pamamaraan ng Sri Lanka upang lutasin ang krisis sa India ay magiging balangkas para sundin ng Myanmar.

Noong 1948 nang makamit ng Sri Lanka ang kalayaan mula sa Britanya, ang islang bansa ay iniwanan ng mga isang milyong Tamil na tinawag na “Mga Indianong Tamil” sa Sri Lanka. Dinala sila sa Sri Lanka mula sa Timog India mula sa pinakamababang uri ng Dalit para magtrabaho sa mga plantasyon ng tsaa na itinatag sa lupain na kinumpiska ng Briton mula sa mga magsasakang Sinhala, na tumangging magtrabaho sa mga plantasyong iyon. Kaya ang pagkakaroon ng mga Tamil na ito ay lubhang ikinagalit ng mga Sinhalese. Ang Briton ay lumikha ng walang-estadong komunidad na walang mga mamamayang Indiano o Sri Lankano.

Ang kawalang-estado ay lumilikha ng kawalang-pagasa at kawalang kakayahan sa sinumang tao anuman ang katayuan sa ekonomiya ng isang tao. Ang kawalang-katiyakan na nagmumula sa mga ganoong sitasyon ay nagdudulot ng hindi mabilang na kahirapan sa mga taong nasangkot sa mga salungatan; karamihan sa kanila ay mahihirap at maralita katulad ng nakikita sa tensiyonadong sitwasyon sa pagitan ng Myanmar at Bangladesh.

Sa ulat ng media ang Sundalo ng Myanmar ay nasa likod ng lahat ng kasamaan na nagdudulot ng karahasan sa estado ng Rakhine na pinupuntirya ang komunidad ng Rohingya. Ang tugon ng pamahalaan ng Myanmar na inaaming sila ay mga ekstremistang Muslim, ay tinukoy bilang Arkhine Rohingya Salvation Army (ARSA) na umatake sa 35 estasyon ng pulis, at isang kampo ng sundalo sa hangganan ng Myanmar-Bangladesh noong Agosto 25, 2017, ang Komisyonadong Tagapayo ng Estado ng Rakhine, na pinamumunuan ng dating Pangkalahatang Kalihim ng UN na si Kofi Annan, ay nag-iskedyul ng paglalabas ng pansamantalang ulat. Katulad ng inamin ng Pamahalaan ng Myanmar, ang pagsugpo ng militar ay pinasimulan upang protektahan ang lahat ng mamamayan sa Rakhine, kabilang ang mga Bengali na naninirahan ngayon sa ilalim ng kalunos-lunos na kondisyon na sumasailalim sa lahat ng uri ng karahasan.

Sinisisi ng media at ng mga grupong lobby ang Tagapayo ng Estado ng Myanmar na si Aung Sang Suu Kyi sa hindi pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang textbook na ‘etnikong paglilinis’. Ang paninisi at kritisismo ay dalawang pangkat ng paggana; karaniwang, pagkuha ng kaalaman upang isadula ang mga isyu upang maging kapani-paniwala ang mga kuwento upang makaakit ng atensyon upang makuha ang simpatya ng publiko. Ngunit, ang mga gumagawa ng polisiya ay kailangang magpanatili ng tamang balanse sa pagitan ng emosyonal at rasyonal na pamamaraan upang makabuo ng tumatagal na mga solusyon sa mga isyu na madalas ay mayroong mga ugat mula sa kolonyal na patakaran.

Kapag ang isa ay titingin sa tiyempo ng pag-atake ng ARSA, bilang karagdagan sa paglalabas ng ulat ni Kofi Annan report, mayroon ding mga pagbisita ng Punong Ministro ng India na si Narendra Modi sa Myanmar, at ang pandaigdig na kampanya ng media laban kay Suu Kyi sa hindi pagtugon at pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga paglabag sa karapatan pantao sa Myanmar sa gabi ng kanyang pagbisita upang ipabatid ang Pangkalahatang Asambleya ng UN. Sinisisi siya ng kanyang mga kritiko at mga grupo ng lobby sa karapatang pantao sa pananatiling tahimik habang ang Tagapayo ng Estado ay hindi natitinag sa presyur ng mga taktika.

May tatlong sikat na makasaysayang linya ng mga hangganan na nilikha noong ika-20 siglo ng kolonyal na mga kapangyarihan na nagtipon sa mga binhi ng tunggalian at pagsilang ng terorismo na nagdudulot ng mga digmaan, nagdudulot ng katakut-takot na mga paghihirap ng tao magpasa-hanggang ngayon. Una: ang hatian ng India at Pakistan noong Agosto 15, 1947. Pangalawa: ang hatian noong Mayo 15, 1948, sa pagitan ng mga Arabo at Hudyo at paglikha ng estado ng Israel. Pangatlo: paghihiwalay, sa parehong taon (1948) ng Burma mula sa India. Ito ay isang kasaysayan.

Ang mga heopolitikong desisyon na ito ay nagbukas sa maraming pakikibaka ng paghihiwalay, na may pakiramdam ng kawalang-estado at kakulangan sa pagmamay-ari sa mga populasyong naninirahan sa loob ng mga teritoryong pinaliligiran ng mga hanay ng sigalot. Madalas, kathang-isip na mga paniniwala, magulong katotohanang pangkasaysayan ang ginamit upang gawing lihitimo ang mga kaso ng paghihiwalay na nagsusulsol sa mga opinyon ng paglolobi para sa mga opinyon upang patotohanan ang sanhi ng labanan sa kalayaan at sumusuporta at tumutulong sa mga grupo na magdulot ng karahasan upang lutasin ang mga isyu.

Kinailangang harapin ng Sri Lanka (dating Ceylon) at ng Myanmar (dating Burma) ang hamon ng pagbibigay ng pagkamamamayan sa may-kasunduang manggagawa, na dinala bilang murang pinagkukunan ng manggagawa upang magtrabaho sa mga plantasyong itinayo sa panahon ng kolonyal na patakaran ng Briton.

Ang May-kasunduang pagtatrabaho ay isang alternatibong pamamaraan upang palitan ang kalakalan ng alipin ng mga kolonyal na pinuno; propesyonal na ipinatupad, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga manggagawang pamilya na tinukoy bilang “Coolies” at pinapipirma sila ng kontrata na nakasulat sa Ingles at pinasasang-ayon sila gamit ang mga marka ng hinlalaki. Walang sinuman sa kanila ang nakaalam na iyon ay nasa kontrata; binigyan sila ng trabaho/gawain ngunit hindi nila alam kung saan sila patutungo kapag sila ay pinalayas.

Karamihan sa kanila, bilang mga Indianong pinagmulan ay hindi nalaman na hindi na sila makakabalik sa kanilang bansa, at magiging mga mamamayan na walang estado sa mga lugar na napakalayo, katulad ng sa Caribbean Islands, katulad ng Fiji para magtrabaho sa mga plantasyon ng tubo, malalapit na lugar tulad ng Burma at Ceylon. Ang mga grupong ito ng may-kasunduang manggagawa ay ipinakilala sa dalawang salita sa wikang Tamil na may letrang ‘C’ sa diksyunaryong Ingles: ang mga ito ay ang CURRY at COOLIES. Sa kabutihang palad, karamihan sa mga ekonomiya ng kolonyal na plantasyon, ang kawalang-estado ay nalutas na ngunit may mga tensyon sa pagitan ng mga minorya at mayorya upang humanap ng sosyo-ekonomiko at pulitikal na kapangyarihan.

Ang sitwasyon ng kawalang-estado ng Indianong manggagawa na may-kontrata na nagtatrabaho sa mga plantasyon ng tsaa sa Sri Lanka ay nalutas na noong 1964 sa pamamagitan ng kasunduan ng dating Punong Ministro na si Bahadur Shastri at Punong Ministro ng Ceylon na si Sirimavo Bandaranaike. Ang parehong bansa ay nagkasundo na kukupkupin ang mga mamamayan na walang estado sa pamamagitan ng pagpapauwi sa sariling bayan o gagawaran ng pagkamamamayan. Simula noong 1980 ang isyu sa kawalang-estado ay lubusan nang nalutas. Ngunit sa Sri Lanka, napakaraming trabahong dapat tapusin upang mapabuti ang kalidad ng buhay nitong mga grupong ibinubukod sa mga plantasyon.

Katulad nito, ang Bangladesh at Myanmar ay pumasok sa isang kasunduan noong 1993, ngunit ang pamahalaan ng Bangladesh ay nagkaroon ng mga kahirapan sa pakikitungo sa diktatoryal na pamahalaang militar ng Myanmar. Dapat nating tanggapin ang pahayag na isinagawa ng Tagapayo ng Estado ng Myanmar na si Suu Kyi, sa panahon ng kanyang talumpati noong Sityembre 19, 2017, na nagpapahiwatig ng pagkupkop sa lihitimong komunidad ng Rohingya pabalik sa estado ng Rohingya.

Katulad nito, ang nararapat na kredito ay dapat ibigay sa Punong Ministro ng Bangladesh na si Sheik Hasina sa pagtanggap sa mga biktimang Rohingya at pagbibigay ng suporta at pangangalaga sa mga takas na naninirahan sa iba’t ibang mga ginawang kampo sa Cox Bazar sa pagsubok sa mga kondisyon.

Kaya, dapat isulong ng mga ahensyang pandaigdig ang mga pamahalaan sa parehong Bangladesh at Myanmar para lutasin ang isyu sa pamamagitan ng diyalogo at talakayan, katulad ng ginawa ng India at Ceylon sa pamamagitan ng isang kasunduan noong 1964.

Ito ay magiging nakapipinsala kung pangangatwiranan ang karahasan bilang isang paraan ng pagsuporta sa tampalasan sa alinmang partido na nagbibigay ng salungat na isyu bilang sigalot sa pagitan ng mga Budista at Muslim sa relihiyoso at pangkomunidad na mga paniniwala. Ang problema ay kailangang makita bilang makatao na nagmula sa kawalang-estado at kawalang-pagasa na nagdudulot ng mahirap na kondisyon sa ekonomiya. Ang kalagayan ng mga takas na tumatawid sa maraming Aprikanong teritoryo para makarating sa Europa bilang mga migrante ay isang magandang buhay na halimbawa.

Ang tamang diyagnosis ay kalahati ng solusyon, hangga’t ang mga sanhi at epekto na sumusuporta sa mga katotohanan ay naitatatag. Ang parehong babae na nasa kapangyarihan sa Bangladesh at Myanmar ay may mga kakayahan na humanap ng malikhain at makabagong solusyon na may makatwirang pamamaraan para sa pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan sa kani-kanilang bansa. Ang mahalaga ay lumikha ng may-kakayahang kapaligiran na hindi nagdudulot ng mga emosyonal na aksyon at reaksyon na nagsusulsol sa diskriminasyon batay sa etnorelihiyosong pagkakaiba-iba.

*Ang manunulat ay ang Panrehiyong Direktor ng Pananalapi, Propesyonal at Tagapangasiwang Grupo, UNI Global Union Asia-Pacific na nakabase sa Singapore. [IDN-InDepthNews – Sityembre 25, 2017]

Litrato: Kutupalong Refugee Camp sa Cox’s Bazar, Bangladesh. Ang kampo ay isa sa tatlo, na pinaninirahan nang hanggang 300,000 na taong Rohingya na tumatakas sa karahasan sa loob ng komunidad sa Burma. Pagkilala: Wikimedia Commons

NEWSLETTER

STRIVING

MAPTING

PARTNERS

Scroll to Top