Home – SDGs for All

A project of the Non-profit International Press Syndicate Group with IDN as the Flagship Agency in partnership with Soka Gakkai International in consultative status with ECOSOC

Watch out for our new project website https://sdgs-for-all.net

Nilalayon ng Timog Pasipiko na Kumilos upang Lutasin ang “Kinatatakutang” Klima Hindi sa Gumawa Nito

share
tweet
pin it
share
share

Sa Pagsusuri ni Kalinga Seneviratne

BANGKOK (IDN) – Sinasabi na ang tatlong maliliit na bansa sa Timog Pasipiko – ang Kiribati, Tuvalu at Marshal islands – ay ang mga “nakatadhanang lumubog sa karagatan nang magkakasama”, umapila sa pandaigdig na komunidad ang matapang na Punong Ministro ng Fijian na si Josaia Bainimarama upang tulungan ang Fiji at ang ibang mga estado ng Timog Pasipikong mga isla na makadepensa sa epekto ng pagbabago ng klima, kung saan inilalarawan niya bilang “matinding kaganapan ng panahon na kinatatakutan”.

Upang tugunan ang pagbubukas ng mga sesyon nang ika-72 UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) (Mayo 17-19) katulad ng sinabi ng hahalinhang tagapangulo: “Hahatulan ng kasaysayan ang mga bansang indurstriyal nang napakalupit kapag iniwan nila ang maliliit at mahihinang bansa sa kanilang tadhana nang  hindi binibigyan nang angkop na tulong. Hindi kami ang dahilan ng pag-init ng daigdig. Sila.”

Sinabi niya sa mga ministro at nakatatandang opisyal mula sa mahigit 65 na bansa sa Asya-Pasipikong rehiyon na ang mga industriyal na bansa “ay dapat gumamit ng bahagi ng kayamanan na mayroon sila mula sa pagbubuga ng karbon ng kanilang mga industriya upang tulungan ang ilan sa atin na hindi kasing yaman nila at nakararanas ng matinding krisis na nilikha nila”.

Noong Pebrero 20 nang taong ito, ang pinakamalaking bagyo na tumama sa kalupaan sa timog hemispero na bumagsak sa Fiji Islands na may bilis ng hangin na mahigit 300 km kada oras, ay pumatay ng 44 na tao at sumira sa mahigit 40,000 bahay at 229 paaralan. Tinaya ng World Bank ang kabuuang halaga ng pinsala na halos 1.4 bilyong dolyar.

“Ang isahang matinding kaganapan sa panahon na tiyak na direktang tatama sa atin ay makasisira sa ating mga ekonomiya sa maraming taon na darating… at babaliktarin ang lahat ng kapakinabangan sa pag-unlad na pinaghirapan nating mabuti upang maabot,” ang sabi ni Bainimarama, bilang karagdagan sa mahinahong mensahe na ang mga Sustainable Development Goals (mga SDG) ay hindi magkakaroon ng kahulugan sa Timog Pasipiko nang walang sama-samang tulong mula sa pandaigdig na bansa upang tulungan ang maliliit na mahinang islang bansa sa mga ganitong banta ng panahon. 

“Para sa lahat ang aming pakikipag-usap sa 2030 Agenda, ang mga bansa katulad ng Fiji ay may kakaunti o walang pag-asang makamit ang kanilang mga Natutustusang Layunin Sa Pag-unlad o Sustainable Development Goal nang walang agarang tulong ng pandaigdig na komunidad,” bilang babala niya.

“Pinalilitaw ng mga lider ng Isla Pasipiko na ang mga nangungunang bansang iyon na may higit na mapagkukunan ay kailangang magbigay nang mas malaking bahagi sa responsibilidad pagdating sa pakikipagtulungang pagharap sa mga bansang ito upang humanap ng solusyon sa problema,” Ang sabi ni Hamza Ali Malik, Hepe ng Macroeconomic Policy at Analysis Section ng ESCAP sa isang panayam.

Ang pagtatatag ng depensa sa pagbabago ng panahon ay isa sa tatlong haligi ng ESCAP na nakatuon sa pagkamit ng mga SDG, ang sabi ni Malik. “Ang kanilang mga ekonomiyang (Pasipiko) ay apektado sa malawakang sakop (at) ang isang sakuna ay magpapabalik sa kanila sa ilang panahon pagdating sa pag-unlad,” sabi niya.

“Wala silang kakayahang lutasin ang mga bagay katulad ng pagpapakain sa mga tao na apektado ng mga ito at pagtatayong muli ng imprastruktura, atbp. Kailangan nating tahasang sumama sa pagpapaunlad ng balangkas na kinakailangan ng kompromiso sa pagitan ng pagpapanatili sa kapaligiran at pag-unlad ng ekonomiya .”

Upang patunayan na ang Fiji ay hindi lamang basta nakatayo doon at naghihintay ng pandaigdig na tulong upang bumagsak sa kandungan nito, ang pamahalaan ng Bainimarama ay nagsaayos ng dinaluhan ng marami na  pagpupulong sa mga sesyon ng ESCAP upang patunayan ang kanilang determinasyon na magtatag ng depense sa nakatatakot na banta ng pagbabago ng klima.

Upang matugunan ang pagpupulong, sinabi ng Deputy Executive Director ng ESCAP na si Kaveh Zahedi na “ang pagtatatag ng depensa (sa pagbabago ng klima) ay hindi pagpipilian kundi pangangailangan”. Iminungkahi niya na ang tulong sa sakuna ay hindi dapat responsibilidad ng iisang ministro lamang kundi dapat ay nakakalat sa lahat ng ministro, lalo na sa maliliit na mahihinang estado katulad ng sa Timog Pasipiko.

“Kailangan nating baguhin ang kaisipan,” tutol niya, sinasabi na ang mga pagbabanta mula sa mga bagyo at katulad ng parisan ng panahon ay hindi limitado sa isang bansa kundi sa katunayan ay karatig na hangganan.

Sa isang presentasyon, binanggit ni Dok. Andi Eka Sakya, ang pinuno ng Ahensya para sa Meteorolohiya, Klimatolohiya at Heopisiko ng Indonesia na dahil ang Indonesia ay arkipelago rin ng maliit na islang mga estado marami rin itong karanasan sa pagharap sa likas na sakuna na dulot ng pagbabago ng klima at kung kaya ang sakop ng Timog-sa-Timog na pagtutulungan sa larangang ito ay ganap nang matatag.

 Ipinaliwanag niya kung paanong ang Indonesia ay patuloy na tumutulong sa Fiji na makayanan ang mga epekto at muling pagtatatag pagkatapos ng bagyo noong Pebrero at kamakailan lamang ay lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang ESCAP para sa Timog-sa-Timog na pagtutulungan sa larangang ito. “Ang Indonesia ay mas maraming karanasan sa pangangasiwa sa sakuna (at) nakabuo kami ng pangmatagalang estratehikong plano,” sabi niya, dagdag niya na tinalakay ng Indonesia noong Abril ang pagtatatag ng Pacific Hub upang padaliin ang tulong sa sakuna kasama ang ESCAP.

Sinabi sa miting ng Direktor Heneral ng Tanggapan ng Pagsugpo sa Sakuna at Pagpapagaan ng Thailand na si Chatchai Phromlert na kasunod ng 2005 Asian tsunami, ang Thailand ay nakapagtatag ng karanasan at mga mapagkukunan bilang tugon sa pagbabago ng klima at mga likas na sakuna. “Alam namin ang pangangailangan sa panrehiyong kooperasyon,” sabi niya, at “nais naming mas pagtuonan ang pro-aktibong mga programa kaysa sa mga reaktibo.”

 Ang pagtatatag ng mga sistema ng depensa sa epekto sa parisan ng panahon ng pagbabago ng klima ay mahalaga sa pag-abot ng mga SDG sa Timog Pasipiko, tutol ng Ministro ng Agrikultura ng Maritime at Rural na Pag-unlad ng Fiji na si Inia Seruiratu. “Kailangan nating ipakilala ang transpormatibong  mga pagbabago,” sabi niya. “Kailangan nating baguhin ang pamamaraan ng ating pamumuhay. Kailangan nating tanggapin ang mga panganib ng sakuna at klima bilang ating bagong kalikasan.”

Tinawag ang Fiji para sa pagsasama-sama ng pagtatasa sa panganib sa sakuna sa mga plano ng SDG at pagdaragdag nito sa mga SDG bilang layunin numero 18.

Sa kanyang presentasyon sa pagpupulong ng Fiji, binanggit ng ministro na habang ang pokus ay sa pagbabawas ng kahirapan sa mga SDG ay mahalaga, kailangan nitong maging balanse sa pagharap sa mga panganib dulot ng klima.

Sa pagharap sa plenaryong talakayan, sinabi ng Deputy Prime Minister ng Tuvalu na si Maatia Toafa na ang “mga hamon ng pagbabago ng klima ay malaki para sa maliliit na estado katulad ng Tuvalu. Bilang karagdagan sa mga pisikal na epekto ng pagbabago ng klima na nararanasan ng bansa, kinakaharap din namin ang mga kahirapan sa pagkuha ng mga pondo sa pandaigdig na klima… upang magtatag ng adaptibong kapasidad sa pamamagitan ng kritikal na imprastruktura laban sa klima.”

Sinasabi niya na ang pamahalaang ito ay nakapagtatag ng Tuvalu Survival Fund na may laang-pondo na 5 milyong dolyar sa pinansiyal na pagbangon at rehabilitasyon mula sa mga epekto ng pagbabago ng klima at mga sakuna, sinabi niya na ”pagkatapos ng nakapipinsalang epekto ng Tropikal na Bagyong Pam noong 2015, natutunan namin na kailangan namin ng pondong ito dahil sa kawalan ng mapagkukunan ng angkop na seguro” at inimbitahan ang mga miyembrong bansa ng ESCAP na mag-ambag sa pondong ito.

Bilang karagdagan sa pagbabago ng klima, ang isa pang pangunahing sagabal sa natutustusang pag-unlad sa maliliit na Isla Pasipiko ay ang labis na dependensya sa mga petrolyo para sa kanilang pangangailangan sa enerhiya, katulad ng binanggit sa report na inilabas sa miting ng ESCAP sa mga isyu ng natutustusang pag-unlad na kinakaharap ng mga bansang Asya-Pasipiko na may “mga espesyal na pangangailangan” (CSN).

Sa pagtukoy sa report ng CSN, itinuturo nito na habang ang maliliit na estadong isla ng Isla Pasipiko ay humaharap sa matinding pinsala dahil sa kanilang maliit na sukat, kalayuan na nagpapasalat sa kanila sa mabilis na pagpunta sa malalaking pamilihan, ang limitadong batayan sa pagluluwas at regular na mga problemang pangkapaligiran (katulad ng mga bagyo), ang pangunahing hadlang sa kanilang natutustusang pag-unlad ay ang kanilang mataas na dependensya sa mga inangkat na petrolyong panggatong para sa pagpapatakbo ng kuryente.

Ang islang ito na may 365 araw na saganang sikat ng araw, na pinaliligiran ng mga dagat at kasamang hangin ay maraming saklaw upang gamitin ang solar, geothermal at lakas na nagmumula sa hangin, ngunit ang pamumuhunan sa ganitong uri ng mapagkukunang napanunumbalik  na enerhiya sa karamihan ng Isla Pasipiko ay napakababa.

Kahit ang pagtatangka na gamitin ang enerhiyang nagmumula sa hangin ay naapektuhan ng mga bagyo na dulot ng pagbabago ng klima. Katulad ng sinabi ni Masakazu Hamachi, ang Parliamentaryong Pangalawang Ministro ng Banyagang Ugnayan ng Japan sa panel na talakayan,kahit nagtayo ang Tonga ng mga power generator, itinutumba ang mga iyon ng bagyo.

Samantala, sa usapan sa pagitan ng Punong Ministro ng Fiji at Ehekutibong Kalihim ng ESCAP na si Dok Shamshad Akther, ang dalawang partido ay pansamantalang nagkasundo sa pagtatatag ng sentro ng pagbabago ng klima sa Fiji upang magbigay ng praktikal na pagsasanay at pagtatayo ng kakayahan para sa maliliit at mahihinang estado. [IDN-InDepthNews – Mayo 20, 2016]

NEWSLETTER

STRIVING

MAPTING

PARTNERS

Scroll to Top