
Nangangako ang Makasaysayang Komperensiya ng UN na Ibabalik ang Kalusugan ng Karagatan
Ni J Nastranis
UNITED NATIONS (IDN) – Ang ating karagatan ay mahalaga sa ating ibinabahaging kinabukasan at pangkalahatang pagkatao sa lahat ng sari-saring uri nito. Sakop ng ating karagatan ang tatlong sangkapat ng ating planeta, nagkokonekta sa ating mga populasyon at merkado, at bumubuo ng mahalagang bahagi ng ating likas at pangkulturang pamana.
Nagsusuplay ito ng halos kalahati ng oxygen na ating nilalanghap, hinihigop ang mahigit sa sangkapat ng carbon dioxide na nililikha natin, gumaganap sa mahalagang papel sa siklo ng tubig at ang sistema ng klima, at mahalagang pinagkukunan ng biodibersidad ng ating planeta at ng mga serbisyo ng ecosystem.…